EXTENSION SA PAGKAKABIT NG RFID

RFID

PINALAWIG pa ng Department of Transportation (DOTr) ng hanggang Enero 11, 2021 ang pagkakabit ng radio frequency identification (RFID) at wala pang magaganap na huhulihin ang mga sasakyan na hindi pa rin gumagamit ng RFID stickers.

Sa inilbas na advisory, inihayag  ng DOTr na mananatiling bukas 24/7 ang RFID installation sa mga toll lanes at booths hanggang Enero 11 kahit pa ipapatupad na nang lubos ang cashless sytem sa Disyembre.

Pero matapos ang Enero 11, iginiit ng kagawaran na hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane.

Magtatalaga na lamang  ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman ay isang installation tent bago pa pumasok sa toll gate kung saan maaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan.

Ayon sa DOTr, pagsapit ng Disyembre 1 at wala pa ring RFID ang isang sasakyan, sa toll gate mismo kakabitan ito.

May nakaabang na RFID installation lanes sa mga toll gate, at may mga tauhan ang mga toll operator  na tutulong sa pagkabit ng RFID stickers.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.