EXTERNAL DEBT NG PH BAHAGYANG LUMAKI

BSP Governor Nestor Espenilla Jr

BAHAGYANG tumaas ang outstanding external debt ng bansa sa US$73.2 billion sa unang tatlong buwan ng taon mula sa US$73.1 billion na naitala sa pagtatapos ng 2017, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni BSP Governor Nestor A. Espenilla, Jr. na ang bahagyang pag­lobo sa debt stock sa first quarter ng 2018 ay dahil sa positive foreign exchange (FX) revaluation adjustments (US$621 million) bunga ng paghina ng US Dollar laban sa  Japanese Yen, at adjustments ng naunang periods (US$685 million) sanhi ng late reporting.

“These upward pressures on the debt stock were partially mitigated by: (a) net principal repayments (US$735 million), which resulted mainly from the bullet payments at maturity as well as prepayments by the private sector; and (b) transfer of holdings of Philippine debt papers issued offshore (US$472 million) by non-residents to residents,” sabi pa ng BSP.

Gayunman, kumpara sa end-March 2017 figure, ang debt stock ay bumaba  year-on-year ng US$609 million (o 0.8 percent)  mula sa US$73.8 billion dahil sa net repayments (US$3.4 billion), pangunahin sa short-term (ST) non-trade accounts ng pribadong sektor.

“This downward impact on the debt stock was partly offset by: (a) previous periods’ adjustments (positive US$1.5 billion) due to late reporting; (b) upward FX revaluation adjustments (US$713 million); and (c) transfer of Philippine debt papers from residents to non-re­sidents (US$618 million),” dagdag pa ng BSP.

Ang external debt ay patungkol sa lahat ng uri ng pagkakautang ng ­Philippine residents mula sa on-residents, kasunod ng residency criterion para sa international statistics.      PNA

 

Comments are closed.