EXTORTION LETTER NG NPA SA CONSTRUCTION COMPANIES NADISKUBRE

CPP-NPA-2

NEGROS OCCIDENTAL – LALO pang nadiin ang Communist Party of the Philippines-New People’s Ar-my-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa paniniwala ng militar na walang inatupag ang mga ito kundi manakot at mangikil.

Ito ay nang matagpuan ng mga miyembro ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army ang kanilang extortion letter para sa mga construction company.

Una munang nagkaroon ng sagupaan sa Sitio Bunga, Barangay Salong, Kabangkalan kung saan naitaboy ang mga rebelde at sa kanilang clearing operations ay nakita ang mga liham na may letter head na Apolinario Gatmaitan Command na nakabase sa nasabing lugar, may petsa na Marso 12 at may lagda ni Armando Magbanua mula sa Regional Taxation Group ng kanilang samahan.

Sinabi ni Col. Benedict Arevalo, kumander ng 303IB, na ang mga narekober na liham  ay katibayan na sadyang pangingikil at pananakot lamang ang aktibidad ng mga rebelde.  EUNICE C.

Comments are closed.