BULACAN – ISANG 23-anyos na lalaki ang nakorner ng pulisya makaraang i-extort at hingan ng P10,000 ang isang 16-anyos na dalagita kapalit ng hindi pag-upload sa social media ng kanilang malalaswang pag-uusap sa Plaridel kamakalawa.
Sa report ni P/Lt.Col. Victorino Valdez, Plaridel police chief, kay P/Col.Emma M. Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP, nakilala ang naarestong extortionist na si alyas Jorenz , 23-anyos, at residente sa bayan ng Plaridel na inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Jessa, 16-anyos, at nakatira rin sa nasabing bayan.
Nabatid na nagtapat ang dalagitang biktima sa kanyang pinsan dahil hinihingan siya ng P10,000 ng suspek kapalit ng hindi pag-upload at pag-post sa social media ng kanilang malalaswang usapan kaya humingi sila ng tulong sa Plaridel police na nagkasa ng entrapment operation.
Hindi na nakapalag ang suspek nang tanggapin ang marked money mula sa biktimang kanyang tinatakot kapalit ng nasabing halaga at nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong extortion habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing kaso. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.