F-TO-F CLASSES MAGSUSULONG SA EKONOMIYA

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makatutulong ang pagbabalik-eskwela o face-to-face classes para sumulong and ekonomiya ng bansa.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na malaki and ambag sa economic activity kung muling papasok sa mga eskuwelahan and mga mag-aaral.

Ang pananaw nI PBBM ay napanood sa kanyang blog kung saan ay kanyang hinihimok ang 100 percent in-person learning na dapat aniyang maging matagumpay para makabangon ang ekonomiya na pinadapa ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala ang Pangulo na ang full implementation ng face-to-face classes ay mabuti sa ekcnomiya dahil maraming magbubukas na negosyo at iba pang sekor gaya ng transport, food, retail, at business.“Kaya’t kapag ito (face-to-face classes) ay naging matagumpay, hindi lang ito balik eskuwela kundi balik negosyo, balik hanapbuhay at balik kaunlaran,” ayon kay PBBM.

Magugunitang inanunsiyo na ng Department of Education (DepEd) na simula na ng FTF clasess sa Agosto 22.

Habang ang blended learning ay maaaring magsimula sa Oktubre 31 at ang lahat ng public at private schools ay inaasahan and transition sa five-day in-person classes simula Nobyembre 2.

Base sa datos, nasa 15.2 million learners ang naka-enroll para sa school year 2022-2023.

“Kailangan natin maintindihan na ang bilang ng tao na apektado sa pagbubukas ng face-to-face classes ay higit pa sa numerong ito,” ani Presdiente.

“Kakailanganin ng mga estudyante na mag-commute papuntang eskwelahan. Kaya’t ang ating transport sector ay muli ring magkakaroon ng karagdagang trabaho. Kailangan din ay handa ang mga pampasaherong sasakyan na ipatupad ang minimum safety standards,” dagdag pa ni PBBM.

Kakailangan din aniya and adequate school supplies at materials ng mga mag-aaral sa FTF classes.

“Kailangan rin ng mga estudyante ng mga school supplies at materyales. Isama mo na ‘yung pagkain kaya’t ang ating retail industry ay may karagdagang influx din ng salapi,” ayon kay Marcos.

Dahil sa mga aktibidad na maaaring maganap sa FTF classes, makalilikha rin anya ng trabaho.“Ito’y masasabi ring malaking tulong sa malawakang kilusan natin ng pagbubukas ng ekonomiya. Maraming industriya ang magiging bahagi at makikinabang sa hakbang na ito kung kaya’t dapat nating siguruhin na ang lahat ay handang-handa,” anang Presidente.EVELYN QUIROZ