BALIK na muli sa normal ang face to face classes para sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng Pasay.
Sa abiso ng Pasay public information Office, dahil sa bahagya nang humuhupa ang matinding init ng panahon.
Base sa inilabas na forecast ng PAGASA-DOST, bahagyang bababa sa 41°Celsius ang temperatura sa Pasay City kahapon.
Dahil dito, ipinababatid ng Pasay LGU ang pagbabalik ng Face-2-Face classes sa lahat ng antas.
Sa kabila nito, ipinababatid din ng Pasay LGU na laging nakaantabay ang kanilang tanggapan para i-monitor ang magiging pagtaya sa Heat Index sa mga susunod na araw.
Pinatitiyak din sa lahat ng school faculty na siguruhing maayos ang bentilasyon ng mga silid-aralan at mga pasilidad ng eskwelahan. CRISPIN RIZAL