F2F CLASSES SA PUBLIC SCHOOLS SA MAYNILA SUSPENDIDO

MULING sinuspinde ni Manila Mayor Honey Lacuna ang face-to-face classes sa pampublikong elementarya at high schools sa lungsod hanggang Biyernes gayundin sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM).

Ito ay bunga na rin nang nararanasang matinding init ng panahon sa bansa.

Sa anunsiyo ni Lacuna, nabatid na ang suspensiyon ng F2F classes ay epektibo mula Huwebes hanggang ngayong araw. .

Pinayuhan din ng alkalde ang mga nasabing paaralan na mag-adapt ng alinmang mode of learning na angkop sa kanila.

Samantala, nilinaw ni Lacuna na hindi sakop ng kautusan ang mga pribadong paaralan, gayundin sa mga national public institutions sa higher education.

Ipinauubaya ng alkalde sa school administration ng mga naturang paaralan kung magsususpinde ng klase o hindi.

Gayunpaman, hinihikayat ng lady mayor na magpatupad na lamang din ng alternatibong mode of learning na angkop sa kanila.

“Suspension of face-to-face classes for private schools in all levels, as well as national public institutions of higher education, shall be left to the discretion of their school administration,” saad ni Lacuna.

“However, I encourage all schools to implement any alternative mode of learning as it may also deem appropriate.

This is due to the forecasted DANGER heat index of 45°C according to the Manila Disaster Risk Reduction Management Office,” pahayag pa nito. VERLIN RUIZ