Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – Ateneo vs UST (Men)
4 p.m. – UP vs DLSU (Men)
NAGBIDA si Thirdy Ravena sa fourth quarter breakaway ng Ateneo at nakompleto ng defending champions ang elimination round head-to-head sweep sa mahigpit na katunggaling La Salle, 71-62, sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Ara-neta Coliseum.
Naglalaro bilang reserve sa unang pagkakataon sa kanyang collegiate career, si Ravena ay nagtala ng 14 points, kabilang ang isang krusyal na triple sa huling 2:09 na nagbigay sa Blue Eagles ng 71-58 kalamangan makaraang matikas na makihamok sa Green Archers sa unang tatlong yugto.
Ang panalo, ika-11 sa 13 asignatura, ay nagbigay sa Ateneo ng twice-to-beat incentive at No. 1 ranking sa Final Four. Nakasi-siguro na rin ang walang larong Adamson (10-3) na magtatapos sa top two matapos ang eliminations na may kaakibat na semis bonus.
Sa unang laro ay sumandal ang Far Eastern University sa 38 puntos ni John Lloyd Clemente upang gapiin ang sibak nang National University, 79-74, at makatabla ang University of the Philippines sa ikaapat na puwesto sa 7-6.
Sa pagkatalo, ang ika-5 sa 13 laro, ay naunsiyami ang pagpasok ng La Salle sa susunod na round at nabuo ang three-way race pa-ra sa dalawang nalalabing Final Four slots. Kailangang talunin ng Archers ang Maroons sa Miyerkoles para umabante.
Iskor:
Unang laro
FEU (79) – Tolentino 16, Tuffin 15, Gonzales 9, Stockton 7, Parker 6, Iñigo 6, Orizu 6, Bienes 5, Eboña 4, Comboy 3, Bayquin 2, Cani 0, Escoto 0.
NU (74) – Clemente 38, Ildefonso D. 12, Diputado 4, Yu 4, Rike 2, Aquino 2, Tibayan 2, Galinato 2, Gallego 2, Salim 2, Gaye 2, Ildefonso S. 1, Malonzo 1, Joson 0, Sinclair 0.
QS: 19-18, 44-28, 69-61, 79-74
Ikalawang laro
Ateneo (71) – Ravena 14, Kouame 11, Verano 9, Navarro 7, Nieto Mi. 7, Nieto Ma. 6, Tio 5, Mamuyac 5, Asistio 3, Go 3, Daves 1, Mendoza 0, Wong 0.
DLSU (62) – Melecio 13, Baltazar 12, Santillan 10, Caracut 8, Samuel 8, Manuel 5, Montalbo 2, Bates 2, Serrano 2, Go 0.
QS: 18-22, 35-35, 54-50, 71-62
Comments are closed.