‘F4’ BONUS SA PIRATES, LIONS

NCAA-3

NAKOPO ng Lyceum of the Philippines University ang twice-to-beat advantage sa ‘Final 4’ ng 94th NCAA basketball tournament makaraang pataubin ang De La Salle-College of St. Benilde, 77-64, kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Kumawala ang Pirates, galing sa ikalawang pagkatalo sa season laban sa Colegio de San Juan de Letran noong nakaraang linggo, sa huling limang minuto ng laro kontra desperadong CSB squad na naharap sa ‘must-win’ situation.

Tumipa si CJ Perez ng 17 points, 10 rebounds, at 4 steals, subalit si veteran point guard Reymar Caduyac  ang umeksena sa pag-iskor ng anim sa kanyang 10 points sa hu­ling dalawang minuto, at nagbigay rin ng 7 assists.

“I’m so happy with how our team responded to the challenge,” pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson. “We know that it’s gonna be tough from here on. We’re so locked in on what we prepared for, and we never abandoned what was important to us.”

Nagkasya ang Pirates sa 37-35 kalama­ngan sa half, pagkatapos ay lumayo sa third period sa pagkamada ng walong sunod na puntos. Naitarak ng Lyceum ang 62-53 kalamangan papasok sa payoff quarter, subalit natapyas ito ng Blazers sa anim na puntos, 68-62, sa bucket ni Unique Naboa, may limang minuto pa ang nalalabi.

Gayunman ay nasayang ng CSB ang pagkakataon na maibaba pa ang bentahe ng Pirates nang magmintis si Clement Leutcheu sa apat na free throws at hinayaang maka-tres si MJ Ayaay  para sa 71-62 kalama­ngan sa huling dalawang minuto.

“There was a big lesson from that loss against Letran,” ani Ro­binson, na ang koponan ay bumuslo lamang ng  37.66% mula sa field subalit umiskor ng 21 easy points mula sa 23 turnovers ng Blazers.

“It really kept us humble.”

Umangat ang Lyceum sa 15-2, habang bu­magsak ang CSB sa 8-8 para pormal na masibak sa ‘Final 4’ race.  Dalawang beses lamang sila nanalo sa second round makaraang tapusin ang first round na may 6-3 marka.

Samantala, magaan na dinispatsa ng defending champion San Beda University ang Arellano University, 90-52, upang sakmalin ang ika-9 na sunod na panalo at ang ‘twice-to-beat’ bonus sa semis.

Hindi na kinailangan pa ni Robert Bolick na umiskor ng 50 points sa pagkakataong ito kung saan nalimitahan ng Red Lions ang Chiefs sa walong puntos lamang sa second quarter upang mapalobo ang kalama­ngan.

Nagpasabog si Javee Mocon ng 24 points sa 7-of-13 shooting, habang nag-ambag si  Bolick ng 11 points at 9 assists, habang bumuslo ang Red Lions ng  47.14%  mula sa field.

“We just have to take good care of ourselves,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez matapos ang laro.

Iskor:

Unang laro:

Lyceum (77) – Perez 17, Nzeusseu 13, Caduyac 10, Ayaay 10, Tangsingco 8, Marcelino JV 6, Yong 4, Pretta 3, Marcelino JC 2, Ibanez 2, Santos 2, Valdez 0

CSB (64) – Gutang 13, Leutcheu 11, Carlos 11, Dixon 8, Haruna 8, Naboa 7, Nayve 5, Pasturan 1, Belgica 0, Young 0

QS: 26-17, 37-35, 62-53, 77-64

Ikalawang laro:

San Beda (90) – Mocon 24, Bolick 11, Oftana 9, Tankoua 8, Doliguez 8, Canlas 6, Carino 5, Nelle 5, Soberano 5, Cuntapay 4, Presbitero 3, Eu-gene 2, Tongco 0, Abuda 0, Cabanag 0

Arellano (52) – Bayla 12, Alban 10, Canete 7, Alcoriza 6, Dela Torre 5, Concepcion 4, Dela Cruz 2, Segura 2, Sera Josef 2, Sacramento 2, Ongolo Ongolo 0, Codinera 0

QS:  22-15, 38-23, 60-37, 90-52

Comments are closed.