FABELLA HOSPITAL NASUNOG

SAMPUNG minuto ang itinagal ng sunog sa bahagi ng gusali ng Doctor Jose Fabella Memorial Hospital nitong Huwebes sa Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa report ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog alas-11:52 ng hatinggabi na tumagal hanggang alas-12:01 ng madaling araw.

Nangyari ang sunog sa ikalawang palapag ng 3-storey tertiary Healthcare facility na ginagamit bilang OB Gyne Doctors quarters at storage.

Sa imbestigasyon ng BFP, problema sa nag-loose na koneksyon ng koryente ang sanhi ng sunog.

Wala namang iniulat na nasaktan o inilikas na pasyente dahil naapula agad ang apoy at balik na sa normal ang operasyon. PMRT