FACE SHIELD MANANATILI

INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na mananatili muna ang pagsusuot ng publiko ng mga face shields sa mga establisimiyento at pampublikong lugar.

Ito’y hanggat wala pang malinaw na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nananatiling nasa “status quo” ang pagsusuot ng face shields.

Nabatid na nakatakdang ianunsiyo ni Pang. Duterte sa kanyang state address kung aalisin na ang pagsusuot ng face shields sa Lunes o hindi.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na sa ospital na lamang dapat na magsuot ng face shields.

Gayunman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na iaapela nila ang desisyon ng Pangulo dahil konti pa lamang ang bilang ng mga taong nabakunahan sa bansa.

Habang sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaari nang tanggalin ang face shields sa labas ng tahanan at isuot na lamang sa mga airconditioned at kulob na establisimiyento gaya ng malls. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “FACE SHIELD MANANATILI”

  1. 436406 867781Howdy! Would you mind if I share your blog with my twitter group? Theres plenty of men and women that I think would actually enjoy your content material. Please let me know. Thanks 252075

Comments are closed.