Face mask business, maliit na puhunan, malaking kita

Leanne Sphere

Madali lamang magnegosyo ng face mask. Una, sapat munang kumuha ng business permit sa Department of Trade and Industry (DTI) para makapag-umpisa ng legal. Pwede rin namang hindi muna kung konti lang naman ang iyong gagawin, at ang puhunan mo ay P500 lamang.

Hindi na kailangan ang business plan dito dahil feasible talaga ito at pwedeng ibenta kahit sa tindahan lamang sa murang murang halaga, kahit pa sa sari-sari store.

Mas maganda kung mayroon kayong business name para makilala ang inyong produkto, at dapat din, may kakontrata na kayo sa bibilhan ng mga retaso na gagawing face mask. Yung hindi pwedeng gawing face mask, may paggagamitan pa. Pwedeng gawing basahan na maibebenta rin naman ng maayos.

Malaki ang market ng face mask pero nangunguna na ditto ang mga frontline health workers. Kahit hindi na mandatory ngayon ang paggamit nito, may mga tao pa ring gusting maging ligtas sa lahat ng oras. Dahil sa outbreak ng respiratory infection na base sa pandemic diseases tulad ng H1N1 at COVID19, mas lumaki pa ang demand sa face mask hindi lamang sa mga frontline health workers tulad ng mga first responders, nurses, at medical practitioners kundi maging sa mga karaniwang mamamayan.

Para maibenta ang mga ginawa ninyong face masks, siguruhing naka-post ito online. Kumausap ka na rin ng mga outlets sa palengke, sari-sari stores at kahit pa sa pharmacy. Pwede itong ibenta ng mula P5 hanggang P30 ang isa. In other words, sa puhunang P500, posibleng kumita ka ng sampung ulit nito.

RCLNB