FACE MASK GAMIT NA SA KRIMEN, MAG-INA NAGNAKAW

FACE MASKS

ISABELA – GINAGAMIT na rin ng ilang magnanakaw ang face mask para sa kanilang operasyon.

Ito ay nang makuhanan ng closed circuit television (CCTV) ang pagtakas ng mag-inang kawatan sa Recto Avenue, Barangay Victory Norte, Santiago City.

Ang mag-ina ay nagnakaw ng isang sling bag na naglalaman ng 6 na iba’t ibang ATM card, credit cards, identification cards, cash at ilang mahahalagang dokumento ng mga suspek na nakasuot ng face mask.

Nagpanggap ang mag-ina na bibili lamang sa tindahan.

Lumapit ang nakatatandang suspek na nakasuot ng pulang t-shirt, floral pants at surgical mask sa biktima na umaktong bibili ng ilang beauty products sa tindahan.

Habang nag-uusap ang dalawa, ay sumalisi ang batang suspek na nakasuot ng face mask, itim na sando at shorts at tuluyan nang isinilid sa kanyang pang-itaas na damit ang ninakaw na sling bag. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.