PUMASA sa ipinatutupad na guidelines ng World Health Organization (WHO) ang bagong develop na face mask ng Philippine Textiles Research Institute (PTRI) ng Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay PTRI Director Celia Elumba, isa sa kontribusyon ng DOST sa panawagan ng pamahalaan para sugpuin kumakalat na Covid-19 sa bansa ang binuong bago at mas kapaki-pakinabang na face mask.
Sinabi ni Elumba na ang re-wear face mask ay gawa sa mga fabric na water repellent.
Aniya, ginawa ito ng dalawang manufacturers kung saan ang isa ay para sa lokal na merkado habang ang isa naman ay para sa pang-export.
Idinagdag pa ng opisyal na sumasailalim ito sa testing upang mas masiguro na nakasunod sa ipinatutupad na panuntunan ng WHO.
Nabatid na ang re-wear o re-usable, washable, re-wearable face mask brand ng cloth mask ay isa sa quick response ng DOST-PTRI kaugnay ng COVID-19 pandemic.
Binigyang diin pa ni Elumba na hindi ibinebenta ang mga naturang rewear face mask at sa halip ay ipinamamahagi ito sa hanay ng frontliners ng mga ahensiya ng pamahalaan kabilang ang mga security personnel.
Ang paggamit ng facemask sa mga pampublikong lugar ay isang mabisang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng nabanggit na virus na patuloy na lumalaganap sa ibat-ibang bansa. BENEDICT ABAYGAR
Comments are closed.