FACE MASK PAHIRAPAN SA OFWs SA HONG KONG

face mask

KOWLOON – NAGPAABOT ng pagkadismaya ang ilang overseas Filipino workers sa Hong Kong dahil pahirapan pa rin sa pagkakaroon ng face mask.

Ayon sa ilang OFWs partikular ang mga domestic helper,  wala  silang mabilhan ng face mask kasunod ng nagkaubusang stock o nagmamahalang presyo nito sa nasabing bansa.

Sinabi ng isang alyas Zenaida,  OFW sa Hongkong, ayon sa kanyang kalagayan ay wala siyang natatanggap na mask mula sa mga amo dahil hindi umano sapat ang inorder ng mga ito mula sa Estados Unidos at napahamahal din ng presyo kaya hindi siya kasama sa nakapagsusuot nito  dahil mas priority na pasuotin ang mga batang binabantayan niya.

Mabuti na nga lang aniya at may mga mababait siyang kababayan na binibigyan siya kahit pa isa-isa.

Dagdag pa ni Zenaida, ginagawa naman niya ang paraan para manatiling malusog kagaya ng ilang OFWs na nauubusan din ng mask na maisuot at magtutungo na lamang siya sa Philippine Consulate office para magbakasakaling makakuha ng ipinamimigay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM