FACE MASKS NILAGYAN NG SRP

Face Mask

NAGTAKDA kamakailan ang Department of Health (DOH) ng suggested retail price (SRP) sa N95 masks at iba pang mga produktong maaaring magsilbing proteksiyon sa mapanganib na abong ibinubuga ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos matuklasan ng Department of Trade and Industry (DTI) na may mga tindahang nagbebenta ng sobrang mahal na face mask.

Nasa P45 hanggang P105 ang SRP para sa N95 mask, na sinasabing pinakamabisang pamprotekta sa volcanic ash.

Higit P1 hanggang P8 naman ang SRP kada piraso ng ordinaryong surgical mask, at P30 hanggang P55 sa safety goggles na proteksiyon sa mata.

Tutulungan ng DTI ang DOH sa pag-monitor ng presyo ng mga mask at iba pang produkto.

Nagkaubusan ng N95 masks sa mga tindahan matapos tumaas ang demand para rito dahil sa pag-alboroto ng bulkang Taal.

Tiniyak naman ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na pananagutin sa batas ang mga mahuhuling nananamantala sa kalamidad para magbenta ng mahal na face masks.

Comments are closed.