POSIBLENG tumaas ang suggested retail price (SRP) para sa surgical face masks ng P10 hanggang P12 bawat piraso mula sa dating P8 dahil sa pagtaas ng halaga ng raw materials, lahad ni Trade Secretary Ramon Lopez.
Tumaas na ang presyo ng raw materials para sa face masks at ang halaga ng surgical face masks sa abroad ay pumalo na rin sa P10, pahayag ni Lopez. Sa ngayon, pinananatili ang presyo ng local suppliers sa P8 hanggang nitong Pebrero 7.
Napansin ang pagtaas ng demand sa surgical at N95 masks kasunod ng pagsabog ng Taal Volcano at ang global outbreak ng 2019 novel corona-virus.
“Yes, the suggested retail price may increase. I won’t say double for now as we are still getting various costings,” mensahe ni Lopez.
Anumang pagbabago sa presyo, ay ikokonsulta muna sa Department of Health.
Ang mga tindahang mahuhuling na sobrang magpapresyo at nagsasamantala ay maaaring maharap sa pagmumulta ng hanggang P300,000, nauna nang sinabi ni Lopez. Puwedeng mag-file ng reklamo sa Department of Trade and Industry’s (DTI) Fair Trade Enforcement Bureau.
Comments are closed.