FACE PAINTING IDINAOS VS STRESS

face paint

NAGDAOS ng isang face painting workshop ang Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Que­zon) para sa kanilang mga empleyado bilang stress reliever at upang mapanati­ling malakas at malusog ang kaisipan ng mga ito.

Ang 4-araw na “Face Painting Workshop” para sa mga empleyado ng DOH-Ca­labarzon mula sa regional office at provincial health offices, ay isinagawa sa dalawang batch sa Ciudad Christhia Resort sa San Mateo, Rizal.

Sinimulan ito noong Nob­yembre 5 at nagtapos nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2019 lamang.

Bukod sa pagkakaroon ng camaraderie, sinabi ni Regional Director Eduardo Janairo na layunin rin ng workshop na isulong ang pagtatanggal ng stress sa kanilang mga empleyado, i-develop ang kanilang creativity o pagiging malikhain, emotional growth, at magkaroon ng optimistic attitude.

“At least forty-five minutes of creative activity significantly reduces stresses in the body, regardless of artistic talent or experience,” anang direktor.

“Finding an emotional release from a rigorous work like painting allow the mind to relax and liberate it from all the troubles that provide high level of stress. If you create something na maganda through painting, nai-stimulate ang creative side ng brain and at the same time nare-relieve ang mental strain. Kapag mas mababa ang stress level ng isang tao, mas masaya at healthier ang lifestyles nya at mas improve ang overall mental health nya,” aniya pa.

“Hindi lang ito mabisang pang-alis ng stress, pwede rin itong pagkakitaan and you can earn as much as Php50.00 to Php100 per face,” aniya pa.

Ang face painting ay ang paglalagay ng cosmetic paint sa mukha ng isang tao, para sa entertainment, theatrical o symbolic purposes.

Sa ilang panig ng mundo, isa itong common cultural practice at ginagamit sa pagtukoy s mga mahahalagang indibidwal tulad ng mga tribal chiefs, shamans at maging witch doctors upang matukoy ang kanilang kasarian at social classes.

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang DOH na kung nais magsagawa ng face painting, ay dapat na sundin at ikonsidera ang ilang safety precautions gaya nang pagtiyak na ligtas at malinis ang lahat ng materyales ng gagamitin.

Sinabi ni Regional Mental Health Coordinator Paulina A. Calo na siyang nanguna sa aktibidad, dapat na tiya­king hypoallergenic at malinis ang mga cosmetic paints at iba pang materyales na gagamitin sa aplikasyon, lalo na kung para ito sa mga bata.

“Dirty painting tools like sponge and brushes and contaminated materials due to lack of sterilization can cause allergic reaction to the skin and eyes. “Before applying any paint, you should first check if the person is allergic to the material by applying a small amount to the skin, preferably at the back of hand,” paalala pa niya.

Itinuro rin naman sa mga kalahok sa workshop ang iba’t ibang uri ng face painting gaya ng cake face paints, liquid makeup, crayons, dry glitter, glitter gels at basic prosthetic makeup, gayundin ang tamang aplikasyon ng cosmetic paint, paggamit ng sponge at iba’t ibang uri ng mga brush, at maging mga teknik sa paglikha ng mga disenyo, tribal art, animal faces at maging scary faces. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.