MAGHAHAIN ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng panukalang alisin na ang polisiya sa paggamit ng face shield sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, nakausap na nito si Secretary Eduardo Año na pabor na luwagan ang polisiya sa paggamit ng face shield.
Giit ni malaya na nasa IATF pa rin ang huling desisyon kung saan magkakaroon ng pagpupulong ang dalawang ahensiya hinggil sa usaping ito.
Una nang inanunsiyo ng Malakanyang na pabor ang ilang miyembro ng IATF sa pagtatanggal ng mandatoryong paggamit ng face shield sa loob ng establisyimento kasunod ng pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. DWIZ882