FACE SHIELD SA MGA EMPLEYADO MANDATORY NA SIMULA SA AGOSTO 15

Labor Secretary Silvestre Bello III

IPINAG-UTOS ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagsusuot ng mga empleyado ng face shield, bukod sa face mask, sa workplaces simula sa Agosto 15

“Effective August 15, hindi lang face mask ang gamitin mo, kasama na ang face shield. So, ‘yun ang bagong protocol ngayon,” pahayag ni Bello sa mga reporter sa sidelines ng isang event sa Antipolo City.

“Para kasi ‘yung contamination o transmission, hindi naman limited lang sa ilong, eh. Puwede rin sa mata,” dagdag pa niya.

Ayon kay Bello, ipinanukala ng Inter-Agency Task Force na ang mga  employer ang bibili ng face shields para sa kanilang mga empleyado,

“Ang proposal ng IATF is for the employer. Tutal one time lang naman eh, minsan ka lang bibili, baka hindi naman masyadong mabigat,” ani Bello.

Hindi, aniya, papapasukin sa workplace ang sinumang empleyado na hindi susunod sa naturang health protocol.

Dagdag pa ng kalihim, maaaring panagutin ang mga employer kapag hindi sinunod ang nasabing health measure sa workplace, ngunit hindi naman, aniya, ito magreresulta sa pagpapasara sa workplace.

Bukod dito, iniutos din ng IATF ang paglimita sa mga indibidwal na gumagamit ng smoking areas sa mga workplace.

“’Yung sa smoking area, isang tao lang at a time. Hindi puwedeng dalawa,” ani Bello.

Comments are closed.