FACE SHIELDS, MASKS MANDATORY NA

fsfm

INIUTOS ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsusuot ng face mask at face shield sa pampublikong lugar sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ito’y sang-ayon sa bagong polisiyang napagkasunduan ng IATF.

Nauna rito, ginawa ring mandatory ang pagsusuot ng face shield sa iba’t ibang establisimyento gaya ng mga shopping mall.

Iginiit naman ni Roque na sa paraang ito ay makasisiguro ang bawat isa na makadaragdag ito ng proteksiyon laban sa virus.

“Halos lahat naman tayo meron na tayong face shield, e. Kasi hindi ka makapagtrabaho, hindi ka makapunta sa mall nang walang face shield. Reyalidad, lahat tayo meron nang face shield, ang bagong rule na lang is isuot kapag lalabas ng bahay,” ani Roque. DWIZ882

Comments are closed.