FACE SHIELDS NG HEALTH WORKERS LIGTAS-DOH

NASA  maayos na kondisyon at ligtas ang lahat ng face shields na ginagamit ng healthcare workers.

Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos mabunyag sa Senado ang sub standard face shield na isinupply ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa DOH.

Sinabi ni Vergeire na iniinspeksyon muna ng DOH ang lahat ng medical equipment na ipinamamahagi sa health workers.

Iginiit ni Vergeire na hindi tumatanggap ang DOH ng sirang face shields na medical grade na mayroong shelf life dahil ang ilang components nito ay nasisira habang tumatagal.

Gayunman, inihayag ni Vergeire na hihintayin nila ang resulta ng imbestigasyon ng Senado upang malaman kung nagkaroon ba ng kakulangan o problema kaugnay sa biniling face shield ng DOH sa Pharmally. DWIZ882

5 thoughts on “FACE SHIELDS NG HEALTH WORKERS LIGTAS-DOH”

Comments are closed.