FACE SHIELDS PUWEDE NANG TANGGALIN SA OUTDOOR

MAAARI  umanong alisin ng isang indibidwal ang suot niyang face shields kung siya ay nasa labas ng tahanan upang makaiwas sa aksidente.

Ito ang paglilinaw ni Department of Health (DOH) at treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega sa isang televised press briefing nang matanong hinggil sa polisiya ng pamahalaan na karagdagang protective equipment laban sa COVID-19.

Ayon kay Vega, hindi na kinakailangan pa ng mga nagtatrabaho o naglalakad sa open-air o outdoor settings na magsuot ng face shields dahil kailangan lamang naman aniya itong isuot kapag nasa indoor, gaya ng malls, o kapag may face-to-face interaction sa loob ng isang establisimyento.

Aniya, kung nasa labas naman ng establisimyento ay mababa ang panganib ng hawahan kaya’t kung naglalakad lamang sa kalye o sa labas naman ang trabaho ay maaari na itong tanggalin.

Binigyang-diin naman ni Vega na kailangan pa ring magsuot ng face shields sa mga closed spaces o mga kulob o saradong lugar.

“Ang face shields kailangan lang naman talaga ‘yan ‘pag nasa indoor ka, ‘pag nasa mall ka or pag may interaction ka face to face inside,” paliwanag ni Vega. “Kapag nasa outside naman, ang risk of transmission is very low. ‘Pag naglalakad ka sa kalye, baka maka-affect ‘yung moist nito so puwede ninyo pong tanggalin ‘yan.”

“Kapag pumasok kayo indoors po kailangan may face shields kasi ito ‘yung added protection na hindi kayo maka-transmit o mahawaan kayo,” aniya pa. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “FACE SHIELDS PUWEDE NANG TANGGALIN SA OUTDOOR”

  1. 556391 927631Hiya! awesome weblog! I happen to be a daily visitor to your website (somewhat more like addict ) of this web site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am looking forward for more to come! 613936

  2. 684322 689198The next time Someone said a weblog, I hope that it doesnt disappoint me just as considerably as this. Come on, man, I know it was my choice to read, but When i thought youd have some thing intriguing to say. All I hear is actually a handful of whining about something you can fix within the event you werent too busy searching for attention. 864445

Comments are closed.