FACE-TO-FACE CLASSES, EXAMS BAWAL

Manila Mayor Isko Moreno

MAYNILA-NANINDIGAN ang Manila government na walang face-to-face classes, gayundin ang mga pagsusulit sa anumang paaralan o unibersidad sa kanilang nasasakupan.

Alinsunod ito sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pahayag makaraang makatanggap umano sila ng mga katanungan mula sa mga estudyante at ilang asosasyon o samahan ng mga kolehiyo sa iba’t ibang pribadong unibersidad sa Maynila na kung maaari na umano silang magkaroon ng harapang klase dahil nire-require umano sila ng kanilang mga teacher na magface-to-face o live classes sa kanilang unibersidad.

“Very clear, I don’t think na Commission on Higher Education (CHED) will allow it. I don’t think so. And I’m not allow it al-so,” ayon sa alkalde.

Dagdag pa ni Domagoso, sa ilalim ng GCQ, ang 21-anyos pababa ay hindi maaaring lumabas ng kanilang bahay kaya walang harapang klase sa unibersidad.

Ibinahagi rin ng alkalde ang abiso ng CHED sa Higher Education Institutions (HEI) noong Mayo 24 na pagsuspinde ng “face-to-face” o “in-person classes” at “mass gathering”.

Gayunman, sakaling sumailalim sa MGCQ ang Maynila ay posibleng payagan ang face-to-face classes ngunit magiging limitado lamang ito. PAUL ROLDAN

Comments are closed.