UMAASA si Education Secretary Leonor Briones na patuloy na lalawak ang implementasyon ng limited face-to-face classes.
Kasabay ito ng pagbabakuna ng mas maraming Pinoy laban sa COVID-19 sa tulong ng inilargang National Vaccination Day.
“Kaya kami ay tuwang-tuwa and it’s a great honor for us to work with Secretary Duque and Secretary Galvez and Vince [Dizon] sa kampanyang ito kasi ang success ng education is very dependent on the health of our children and we need to protect our children hindi lamang iyong 12-17 years old na mga bata, pero lahat including the parents themselves,” pahayag ng kalihim.
Anjya pa, “Malaki ang aming interest na mag-open ng face-to-face hindi lamang sa mga lugar na walang masyadong tao kundi sa mga urban areas. We’re thinking largely of NCR, also of Region IV-A, and the large cities na napakaraming mga bata naka-concentrate doon.”
Hinikayat ni Briones ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak.
Magbabase ang pagbabalik ng face-to-face classes sa magiging resulta ng vaccination campaign.