FACE-TO-FACE CLASSES KINANSELA

Presidential Spokesman Harry Roque

HINDI na matutuloy ang limited face-toface classes sa susunod na buwan.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo  Duterte na kanselahin ito sa mismong special meeting sa Malakanyang Sabado ng gabi.

Direktang inatasan ng Pangulo si Education Secretary Leonor Briones na huwag nang ituloy ang limited face-to-face classes lalo na’t binabantayan ng pamahalaan ang pagpuslit ng bagong strain ng COVID-19 mula United Kingdom.

Magugunitang inaprubahan ng  Department of Education ang pilot study sa limited FTF classes sa Enero 2021.

Agad namang sumang-ayon si Briones sa atas ng Pangulo na kanselahin ang limited face-to-face classes. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.