FACE TO FACE CLASSES KINONTRA

SEN-BONG-GO

IGINIIT ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na hindi dapat payagan ng Department of Education ang face-to-face classes  sa pagsisimula ng school year sa Agosto 24 hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Go na totoong mahalagang makapag-aral ang mga bata, pero may mga paraan na hindi dapat ma-expose sa sakit ang mga ito.

Kaugnay nito ay muling hinikayat ni Go ang DepEd na gumamit ng ibang paraan ng learning para matiyak na masusunod ang  physical distancing at health and safety protocols.

Ayon kay Go, hindi dapat ma-pressure ang mga bata na pumasok sa eskuwelahan  kahit may banta sa kanilang kalusugan.

Hinimok din ni Go ang DepEd na gabayan ang mga bata sa bagong  mode of learning kung saan maraming estudyante ang walang  laptop at internet access para masiguro na maging pantay ang oportunidad sa mga ito.

Una nang pinuri ni Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Republic Act no 11480  na nag-aamyenda sa section 3 ng RA no. 7797 o mas kilalang An Act of  Lengthen  the School Calendar  na mula sa 200 days  pero hindi lalampas ng 220 class days. LIZA SORIANO

Comments are closed.