NAKIKIUSAP ang ACT-CIS Partylist sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd), at Inter-Agency Task Force (IATF) na pag-aralang mabuti ang plano na simulan ang pilot testing ng face-to face classes ng mga bata ngayong pasukan sa mga lugar na mababa ang mga kaso ng COVID-19 virus.
Sa isang panayam sa radyo kamakailan, sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap na, “mas maganda sigurong pag-aralan pa ng mabuti ng mga ahensiya ang planong face-to-face classes ngayong pasukan dahil patuloy ang pagtaas ng COVID cases sa bansa dulot ng Delta variant.”
“Ang problema kasi, ang mga mag-aaral natin, lalo na sa elementarya at high school ay walang mga bakuna kaya wala silang pangontra sa COVID. Pangalawa, araw-araw tumataas ang infections sa ating bansa ngayon,” dagdag pa ni Cong. Yap.
Aniya, “kung ang mga bakunado nga tinatamaan kahit na asymptomatic o mild lang, how much more ang mga bata na walang bakuna kahit na sabihin pa na mababa ang infection rate sa isang lugar. The problem is, hindi mo naman nakikita kung nariyan na sa lugar mo ang COVID.”
Suhestiyon pa ng ACT-CIS, ipagpatuloy lang ang module at online learning hanggat hindi pa nababakunahan ang mga adults o hindi naaabot ang herd immunity ng bansa.
“Batid ko na baka masyado ng huli ang mga bata natin when it comes to learning. Pero what is important ba? Education or the safety of our children? Walang parent ang papayag na ilagay sa peligro ang buhay ng kanyang anak,” pahabol pa ni Yap.
986762 806585Spot lets start work on this write-up, I in fact believe this remarkable web site requirements additional consideration. Ill more likely be once once more you just read additional, thank you that information. 638054
228357 990269Hello there! Good post! Please inform us when all could see a follow up! 575405
271562 587879Hello. excellent job. I did not anticipate this. This really is a splendid articles. Thanks! 959046