PINAGHAHANDAAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pilot-run ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa at para matiyak ang seguridad ng mga mag aaral.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, kumikilos na ang PNP sa pag-uumpisa ng face-to-face classes sa mga ilang piling paaralan sa ating bansa.
“I have already directed the unit commanders concerned to coordinate with the respective local offices of Department of Education and the Commission on Higher Education to discuss how the PNP could help on this matter,” ani Eleazar.
Nauna nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nasa kabuuang 90 pampublikong paaralan ang pinayagang makilahok sa pilot run ng face-to-face classes na sisimulan sa Nobyembre 15.
Sinabi pa na nasa 20 pribadong paaralan din ang ikinokonsidera na makapagsimula na rin ng pilot run ng face-to-face classes sa Nobyembre 22.
Kinakailangan lamang din na magkasundo ang mga lokal na pamahalaan at mga magulang ng mga estudyante para mapabilang sa pilot run.
“Kasama ang inyong PNP na sumusuporta sa unti-unti nating pagbabalik sa normal at patuloy ding nakatutok ang inyong kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa hindi lang sa banta ng COVID kundi pati na rin sa iba pang banta sa seguridad ng ating mga guro at estudyante,” giit ni Eleazar. VERLIN RUIZ
888585 483625I also recommend HubPages itself, and Squidoo, which is similar. 229347
55498 363211This is genuinely fascinating, Ill have a look at your other posts! 615900