FACE TO FACE EARTHQUAKE DRILL IDARAOS

MULING magsasagawa ng face to face earthquake drill ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD).

Mula nang magkaroon ng Covid-19 pandemic ang OCD ngayon ay magsasagawa ng kanilang Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill face-to-face sa Setyembre 8, 2022, ganap na 9:00 ng umaga sa Ayala Property Management Corporation Headquarters, Makati City.

“This will be live streamed via Civil Defense PH and NDRRMC Facebook pages,” anang NDRRMC.

Hinihikayat ng NDRRMC ang mga stakeholder na magsagawa ng kanilang drills ng sabay sabay bilang suporta sa NSED while strictly observing minimum public health protocols.

Nanawagan ang NDRRMC sa academic institutions, businesses, private and government offices na tiyakin ang isasagawang earthquake drill na makatutugon sa pinaiiral na minimum public health standards.

“Sa darating na September 8, 2022, alas nuwebe ng umaga, ay ating isasagawang muli ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang ating patuloy na paghahanda sa banta ng lindol. Magsasagawa tayo ng face-to-face ceremonial pressing of the button at evacuation drill sa Ayala Property Management Corporation, Makati City.”

“Sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan, akademikong institusyon, at mga pribado at pampublikong tanggapan, inaanyayahan ang buong sambayanan na makiisa sa NSED at siguruhin ang pagtalima sa itinakdang minimum public health standards,” pahayag ni Civil Defense Deputy Administrator for Operations and NDRRMC Spokesperson, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

Sakaling hindi kakayanin, inihayag ng NDRRMC baka hindi na sila magsagawa ng evacuation drills if the circumstances do not permit.

“Bagaman, magsisimula na tayong magsagawa ng face-to-face NSED sa Makati. At ating hinihikayat na ang evacuation drill matapos ang ating karaniwang pagda-duck, cover, and hold. Aming nililinaw na hindi mandatory ang pagsasagawa ng evacuation drill. “

“Nasa desisyon ito ng mga institusyon at mga tanggapan na silang mag-a-assess sa sitwasyon kung maaari bang maisagawa ang evacuation drill. Kung hindi man, gaya ng ating mga nagdaang NSED nitong pandemya, maaari nilang panoorin ang livestream ng ceremonial pressing of the button at isagawa na lamang ang Duck, Cover, and Hold,” ani NDRRMC Spokesperson, Bernardo Rafaelito Alejandro IV .

Samantala, isang disaster preparedness webinar ang isasagawa rin sa Setyembre 5, 2022 ng 9:00 ng umaga. Nanawagan ang NDRRMC na makiisa sa nasabing online seminar sa pamamagitan ng Civil Defense PH at NDRRMC Facebook pages. VERLIN RUIZ