FACEBOOK AT CELLPHONE BAWAL HABANG ON DUTY

Facebook

IPINAGBAWAL ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director, BGen. Debold Sinas sa kanyang mga tauhan ang paggamit ng cellphone at pagbababad sa social media gaya ng Facebook, Twitter at Instagram habang on duty.
Ginawa ng heneral ang kautusan sa metro cops upang matutukan ng mga ito ang kanilang tungkulin.
Tiniyak naman nito na mahaharap ang mahuhuling nagpe-Facebook at guma­gamit ng cellphone habang naka-duty sa mabibigat na kaparusahan.
Tiniyak naman nito na kapag may nagkasala sa kanyang mga tauhan ay hindi niya ito ire-reassign sa Mindanao sa halip ay mananatili sa Metro Manila para mapabilis ang imbestigasyon sa kanila. EUNICE C.

Comments are closed.