SINUSPINDE ng social media platform na Facebook Inc. ang tinatayang 200 apps sa unang step ng kanilang review ng apps na nagkaroon ng aceess sa mga malalaking kantidad ng mga user data, bilang tugon sa iskandalo ng political consultancy Cambridge Analytica.
Sinuspinde ang apps habang nagkakaroon ng imbestigasyon kung ang maling paggamit ng datos, ayon kay Ime Archibong, Facebook’s vice president of product partnerships.
Sinabi ng Facebook na tiningnan na nila ang libo-libong apps hanggang kasalukuyang petsa bilang bahagi ng imbestigasyon na inanunsiyo ng Chief Executive Officer na si Mark Zuckerberg noong Marso 21.
Sinabi ni Zuckerberg na ang social network ay mag-iimbestiga ng lahat ng apps na nagkaroon ng access sa malalaking bilang ng impormasyon bago pinutol ang data access noong 2014.
“There is a lot more work to be done to find all the apps that may have misused people’s Facebook data – and it will take time,” sabi ni Archibong.
“We have large teams of internal and external experts working hard to investigate these apps as quickly as possible.”
Nagkaproblema ang Facebook nang magkaroon ng privacy scandal noong mid-March matapos ang media reports na ang Cambridge Analytica ay hindi nagkaroon ng tamang accessed data para makagawa ng profiles ng botanteng Amerikano at nang-impluwensiya ng 2016 presidential election.
Nagresulta sa backlash ang insidente mula sa celebrities at nagresulta rin ng pagkalugi ng bilyon sa market value. Humingi ng paumanhin si Zuckerberg sa pagkakamali ng kanyang kompanya at tumestigo sa harapan ng US lawmakers.
Nakabawi naman ang kompanya ng nawalang market value matapos nitong mai-report ang nakagugulat na malakas na 63 porsiyento sa kita at dagdag pang users nang ito ay mag-anunsiyo ng resulta noong April 25.
Comments are closed.