NATIGIL ang paglago ng local manufacturing sector sa pagsisimula ng taon dahil sa Omicron variant surge matapos ang holidays at sa epekto ng bagyong Odette, ayon sa London-based information and analytics firm IHS Markit.
Sa Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) nito para sa January 2022, ang bansa ay nagtala ng iskor na 50, o walang pagbabago sa performance ng sektor.
Ang PMI para sa January 2022 ay bumaba mula sa 51.8 noong December.
“The latest PMI data revealed an unfortunate start to the year for the Philippines manufacturing sector, with the surge in case numbers and Typhoon Odette hitting large parts of the nation,” sabi ni IHS Markit economist Shreeya Patel.
Ayon kay Patel, ang domestic at international demand ay kapwa bumagal noong nakaraang buwan, gayundin ang kakayahan ng mga manufacturer na magprodyus ng goods.
“Material shortages and delivery delays were also prominent, continuing pressure on vendor performance,” aniya. PNA