TAHASANG sinabi ni Senate Blue Ribbon Committe chairman Richard Gordon na hindi siya naniniwala sa mga panibagong pahayag ni Bureau of Correction (BuCor) Dir. Gen. Nicanor Faeldon.
Ani Gordon, mistulang nais pang palabasin ni Faeldon na siya ay “hero” matapos niyang bawiin ang nilagdaang release order ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Bukod pa sa araw ng pag-uusap nila ng pamilya ng dating alkalde at gayundin ang tawag mula kay Senador Bong Go at Department of Justice (DOJ) na inuutos ang pagbawi sa pagpapalaya kay Sanchez.
Sinabi ni Gordon, tila nauna pa ang kanyang aksiyon gayong sa mga sumunod na araw ay nakipagkita pa ito sa pamilya ng dating alkalde.
Buo naman ang paniniwala si Go at Senador Panfilo Lacson na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinanggalingan ng lahat ng pagpigil sa pagpaplaya kay Sanchez at wala ng iba pa.
Hindi rin kinagat ng mga senador ang palusot ni Faeldon na sa pamamagitan ng isang verbal lamang niya pinabawi ang kaniyang memo release para kay Sanchez. VICKY CERVALES