CAMP CRAME – HINDI bibigyan ng special treatment ang anak ni BuCor Director Nicanor Faeldon na nadakip sa umano’y drug den sa Naga City, Camarines Sur noong Biyernes ng madaling araw.
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kasong maintenance of drug den ni Nicanor Faeldon Jr.
Sa isang panayam matapos ang Simbang Gabi sa Camp Crame kahapon ng umaga kay PNP Chief DG Oscar Albayalde, sinabi nitong hindi tumawag sa kanya ang matandang Faeldon hinggil sa pagkakaaresto sa anak nito.
“No special treatment. Wala whatsoever,” ani Albayalde.
Magandang assurance rin aniya na sa BuCor chief na mismo nanggaling na hindi nito kukunsintihin sakaling mapatunayang may kasalanan ang kanyang anak. EUNICE
Comments are closed.