(Faeldon magbitiw sa puwesto) BUCOR BALASAHIN — SOTTO

Sotto

DAPAT magbitiw na sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ito ang naging reaks­i­yon ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isiniwalat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may apat na Chinese drug lords ang pinalaya ng BuCor.

Ayon kay Sotto, maituturing na “blessing in disguise” ang nabunyag na paglaya ng convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez sa ilalim ng RA No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil nadiskubre rin ang paglaya ng ilang convicted drug traffickers.

“I-revamp ‘yang buong BuCor na ‘yan, oo, syempre, lahat sila, lahat ng pfficial doon, dahil hindi pwedeng may kumilos diyan na hindi nila alam lahat, e. Ano ‘yon? Na-hack ang mga ballpen nila?,” giit ni Sotto.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Sotto na dapat din magsagawa ng revamp sa mga opisyal ng BuCor dahil malinaw na hindi naipatutupad ang mandato nito, at hindi naipatutupad ng tama ang GCTA.

“Blessing in disguise siguro ‘yung lumitaw ‘yung kay Sanchez sapagkat biglang nabisto na marami na pala silang pinakawalan diyan. Ang nangyari, e, sinisira ‘yung interpretasyon nila, sinisira ‘yung espiritu, intens­yon nung batas,” ani Sotto.

Sinabi pa ng Senate President na sakaling isnabin ni Faeldon ang pagdinig ng senado hinggil sa naturang isyu ay ipauubaya na lamang niya sa senado kung ipasu-subpoena ito.

“Mahirap pong pa­ngunahan ng senado kung ano ang gusto nilang gawin diyan, tiyaka maraming pwedeng mangyari diyan, ang nasa isip ko, na dapat bigyan din natin ng pansin paano ang gagawin natin doon sa pinalabas na nila,”ani Sotto. DWIZ 882

BUCOR MAY TARA SYSTEM NA RIN–LACSON

NADISMAYA si Senador Panfilo Ping Lacson nang malaman na tila nalipat na sa BuCor ang tara system na umiiral sa Bureau of Customs (BOC)

Ito ay makaraang mabulgar na mayroon ng release order para kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na ang petsa ay August 20 pero hindi ito natuloy makaraang lumabas sa media at umani ng pagtutol.

Giit ni Lacson, mukhang mula sa pagpapalabas ng mga smuggled good sa Customs ngayon naman ay pagpapalabas ng convicts sa BuCor ang nangyayari.

Magugunita na ang kasalukuyang director ng BuCor na si Nicanor Faeldon ay dating customs commissioner na napalitan matapos makalusot sa BOC ang multibilyong pisong halaga ng shabu at nabulgar na patuloy na umiiral na tara system. VICKY CERVALES

Comments are closed.