PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nicanor E. Faeldon bilang director-general ng Bureau of Corrections (Bucor) kapalit ng nagbitiw na si dating Philippine National Police chief Ronald dela Rosa makaraang maghain ng certificate of candidacy para sa pagka-senador sa Mayo 2019 elections.
Ang appointment papers ni Faeldon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may petsang Nobyembre 19,2018.
Si Faeldon ay dating deputy administrator ng Office of the Civil Defense at nagbitiw rin bilang Commis-sioner ng Bureau of Customs bunsod ng kontrobersiyal na paglusot ng P6.4-bilyong halaga ng illegal drugs na natagpuan sa isang bodega sa Valenzuela City. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.