HINILING ni dating TESDA Director General at Lanao del Sur gubernatorial candidate Guiling “Gene” Mamondiong sa Commission on Elections (Comelec) na baligtarin ang proklamasyon at magdeklara ng failure of election sa kanilang probinsiya.
Ito ang ipinahayag ni Mamondiong sa ginanap na weekly forum na Report to the Nation ng National Press Club kasunod ng mga natuklasang pan-daraya ng kanyang kalaban.
Ayon kay Mamondiong na libo-libo umano ang bilihan ng boto.
Idinagdag pa ni Mamondiong na kasapi ng PDP Laban na handa nilang ilabas ang kanilang mga nakalap na ebidensiya mula sa kanilang supporters upang mapatunayan sa Comelec na nararapat na magdeklara ng failure of election sa kanilang probinsiya.
Nais ni Mamondiong na magpatawag ng special election ang Comelec kasunod ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na silipin ang naturang anomalya. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.