FAILURE OF ELECTIONS SA 2022 MALABO

MALABONG magkaroon ng failure of elections sa 2022 dahil sa mga granular lockdown para kontrolin ang pagkalat ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang sagot ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa mga nagpapalutang na baka magkaroon ng failure of elections kapag hindi makaboto ang mga botante na maisasailalim sa granular lockdown ang kanilang lugar.

Ayon kay Roque, kung mayroong mga botante na hindi makakaboto dahil sa pagpapatupad ng granular lockdown, maaari silang bigyan ng konsiderasyon ng Commission on Elections at itakda sa ibang araw ang pagboto.

Sinabi pa ni Roque na matagal nang ginagawa ng Comelec na nagbibigay ng pagkakataon sa mga botante na hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan dahil sa force majeure o hiningi ng pagkakataon dahil sa emergency dulot ng man made o natural calamity.

Ang granular lockdown policy para kontrolin ang pagkalat ng pandemya ng COVID-19 ay ipatutupad sa buong bansa sa sandaling magtagumpay ang pilot testing nito sa National Capital Region.

5 thoughts on “FAILURE OF ELECTIONS SA 2022 MALABO”

Comments are closed.