APAT na players na lamang ang nagbabakbakan para sa MVP derby, habang 12 backcourt players at walong frontcourt operators ang naglalaban-laban para sa Mythical Selection.
Sa inilabas na official list ng PBA Commissioner’s Office, ang MVP candidates para sa Season 44 ay kinabibilangan nina reigning five-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, CJ Perez ng Columbian Dyip, Jayson Castro ng TNT KaTropa at Christian Standhardinger ng NorthPort.
Sina Fajardo at Standhardinger ang nangunguna sa roster ng centers/forwards na naghahangad ng puwesto sa Mythical Selection. Ang iba ay kinabibilangan nina Japeth Aguilar, Sean Anthony, Troy Rosario, Ian Sangalang, Mo Tautuaa at Jeron Teng.
Samantala, pinangungunahan nina Castro at Perez ang listahan ng guards sa karera para sa Mythical First at Second Teams. Nasa crack roster din sina Robert Bolick, Alex Cabagnot, Paul Lee, Rashawn McCarthy, Chris Newsome, Roger Pogoy, Stanley Pringle, Chris Ross, Scottie Thompson at Matthew Wright.
Nangunguna naman sina Perez at Bolick sa Rookie of the Year race laban kina Javee Mocon, Bobby Ray Parks at Abu Tratter.
Kasalukuyan nang isinasagawa ang botohan, at ang mga magwawagi ay pararangalan sa Leo Awards na tampok sa Season 45 opening ceremonies sa Marso 8.
Papagitna rin sa seremonya ang mga mananalo ng Most Improved Player, Sportsmanship Award at ang mga miyembro ng All-Defensive Team.
Kabilang sa MIP candidates sina Tautaa, Wright, Jackson Corpuz, Bong Galanza, Rey Nambatac, Philip Paniamogan at Don Trollano.
Mag-aagawan naman para sa Samboy Lim Trophy para sa sportsmanship citation sina Fajardo, Nambatac, Rosario, Newsome, Baser Amer, Mac Belo at Gabe Norwood.
Ang mga naghahangad ng puwesto sa Defensive Team ay sina Mark Barroca, Jericho Cruz, Jio Jalalon, Newsome, Perez, Ross, Thompson, Paolo Taha and LA Tenorio at the backcourt and Aguilar, Raymond Almazan, Anthony, Rome dela Rosa, JP Erram, Fajardo, Norwood, Rafi Reavis, Rosario, Sangalang at Standhardinger.