MULING bumabandera si San Miguel Beer star June Mar Fajardo sa karera para sa PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference sa kalagitnaan ng eliminations.
Nagposte si Fajardo ng 44.8 statistical point average upang mangibabaw laban sa quartet nina Arvin Tolentino (NorthPort), Robert Bolick (NLEX), Calvin Oftana (TNT), at rookie Jordan Heading (Converge).
May-ari ng pinakamaraming BPC honors na napanalunan na may 10, ang 6-foot-10 eight-time MVP ay may averages na 19.8 points, league-best 17.3 rebounds, at 4.5 assists para sa reigning champion Beermen sa pinakahuling statistical points standings na inilabas ng liga matapos ang holiday break.
Ang huling BPC crown ni Fajardo ay sa season-opener Governors’ Cup.
Nasa likuran ni Fajardo si Tolentino na may 40.8sps kung saan nangunguna siya sa conference sa scoring na may 24.7 average, habang nagdagdag ng 8.0 rebounds, 3.3 assists, 1.0 steals, at 1.1 blocked shots sa isang all-around showing para sa league-leading Batang Pier.
Si Bolick, isang consistent BPC contender tulad ni Tolentino, ang top assist man ng liga na may 7.9 average. May average din siya na 24.1 points, 3.1 rebounds, at 1.1 steals upang pumuwesto sa no. 3 na may 37.6sps, sumunod si Oftana na may 34.3sps sa likod ng 21.8 points, 7.3 rebounds, at 2.0 assists.
At si Heading? Ang Converge freshman ay lumalaban din para sa pinakamataas na individual award ng conference na may 33.1 sps upang kunin ang no. 5. Ang Fil-Australian rookie ay may team-best 17.1 points, 4.3 rebounds, at 6.8 assists.
Samantala, nangunguna si do-it-all Mike Watkins ng NLEX sa karera para sa Best Import award, kontra mga dating winners na sina Justine Brownlee ng Barangay Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng TNT.
Si Watkins ay nagposte ng 54.9 sps kung saan bumabandera siya sa rebounding (24.1) at blocked shots (3.0) sa mga import. May averages siya na 25.4 points at 1.9 assists kada laro.
Nasa surprise second si NorthPort’s Kadeem Jack (50.7sps) na may 30.3 points, 11.9 rebounds, 1.4 assists, 1.5 steals, at 1.7 blocks kada laro, habang si Brownlee, isang three-time winner ng award, ay nasa ikatlong puwesto na may 50.2sps (28.0 points, 10.0 rebounds, 4.5 assists, 1.2 steals, at 1.2 blocks).
Sina Donovan Smith ng Phoenix at Rain or Shine’s Dean Thompson ang bumubuo sa Top 5. Si Smith (30.8 points, 13.7 rebounds, 2.7 assists, 1.3 steals, at 1.7 blocks) ay nasa fourth spot na may 49.5sps, habang nasa No. 5 si Thompson (20.0 points, 12.8 rebounds, 2.8 assists, a league-best 2.5 steals, and 2.3 blocks) na may 48.3sps.
Nasa sixth place si George King (47.8 sps), nangunguna sa lahat ng imports sa scoring na may 37.2 points, mas mataas ng dalawang puwesto kay two-time winner Hollis-Jefferson (28.8 points, 10.8 rebounds, 4.8 assists, 2.3 steals, at 1.3 blocks), na may 47.3 sps.
Ang iba pa sa Top 10 sa BPC race ay sina NorthPort’s Joshua Munzon (32.9sps) sa no. 6 habang nangunguna sa conference sa steals na may 2.4, sumunod sina Chris Newsome ng Meralco (32.6sps), Converge’s Alec Stockton (31.4sps), Barangay Ginebra’s Scottie Thompson (29.5sps), at Rain or Shine’s Leonard Santillan (27.8sps).