FAKE CIGARETTES NASABAT NG BOC

cigarretes

NASABAT ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS) ang tinata­yang P160 million halaga ng pekeng cigarettes, ciga­rette-making machines at iba pang smuggled na kargamento na naka imbak sa loob ng isang bodega sa Bulacan.

Sinalakay ng BOC-ESS noong June 13, 2019, ang naturang bodega na pinamunuan ni Director Yogi Filemon Ruiz sa bisa ng Letters of Authority (LOAs) na inisyo ni customs Commissioner Leo­nardo Guerrero.

Ang bodega na ito ay matatagpuan sa Be­nedicto St. Prenza Uno Marilao Marilao Bulacan, kung saan tumambad sa mga raiding team ang 1,339 master cases ng pekengMighty, Fortune, Hope, Belmont, Marlboro, Mo­dern, Double Happiness at Camel cigarettes na nagkakahalaga sa 40.170 million.

Nadiskobre rin ng mga tauhan ng BOC-ESS sa loob ng bodega ang siyam (9) cigarette-making machines, imported dringking glasses  at fake cigarette tax stamps na aabot sa 120 million sa Kaybanto, Caysio Road, Brgy. Caysio, Sta. Maria, Bulacan.

Iisyuhan ng BOC ng Warrants of Seizure and Detention (WSDs) ang mga kargamentong ito , dahil sa paglabag ng Section 1113 of Republic Act No. 10863, o iyong tinatawag na  Customs Modernization and Tariff , in relation to Section 1401, at ng RA 8293 o  Intellectual Property Code of the Philippines. FROI MORALLOS

Comments are closed.