FAKE COP AT EX-ENFORCER, TIMBOG

timbog

MANILA – ARESTADO ang isang pekeng pulis at dating tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau  (MTPB) sa follow up operation dahil sa pangingikil sa mga dumadaang trak sa Tondo, Maynila.

Sasampahan ng kasong Robbery Extortion at Art 177 Usurption of Authority ang suspek na si Ricardo Tenorio, 22, binata, construction worker at residente sa 16 D Maginoo St., sakop ng Brgy.105, Tondo.

Ayon kay Capt. Henry Navarro, hepe ng  Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), isinagawa ang follow-up operation matapos magreklamo si Raymundo Santos sa kanilang tanggapan matapos siyang harangin ha-bang minamaneho ang Mitsubishi Canter Truck  na may palakang ZEL 582 na puno ng sako ng bigas  patungong Pasay City.

Sa reklamo ni Santos, binabagtas nito ang kahabaan ng Independence Road at pagsapit sa stop light sa harap ng DPWH malapit sa Katigbak  Drive,  Luneta nang sumulpot ang naka-unipormeng pulis at naka­suot ng black jacket.

Nang mag-go ang signal light ay saka pinaandar ni Santos ang kanyang trak hanggang sa harangin siya ng suspek at hinihingi ang kanyang drivers license.

Gayunman, bigla umanong inagaw ng suspek ang wallet ni Santos at kinuha ang pera na nagkakahalaga ng mahigit sa P3,000 bago pinaharurot ang kanyang kulay pulang motorsiklo patungong Roxas Blvd, southbound.

Matatandaan na una nang naaresto ng pulisya ang ka-grupo ng suspek na si  Archelle Carbungco nitong nakaraang linggo habang tinutugis pa ang isa pa nilang kasama na si Rocky Macairan.

Sa beripikasyon ng pulisya sa MTPB, napag-alaman na kapwa mga sinibak at hindi na konektado sa ahensiya ang mga ito kabilang ang mahigit sa 40 iba pa. PAUL ROLDAN

Comments are closed.