FAKE EMBASSY ADVISOR HULI SA ILOCOS

ILOCOS NORTE – ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na wanted sa panloloko sa lalawigang ito.

Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, ng fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy, kinilala ang suspek na si Prithes Das, 22, matapos naaresto sa isang restaurant sa Bantay.

Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) foreign intelligence and liaison division, regional intelligence unit, Provincial intelligence unit ng Ilocos Sur, at ang government intelligence units sa northern Luzon.

Si Das ay isang overstaying at di kanais-nais na dayuhan na iniulat ng kanilang gobyerno dahil sa krimen na kanyang ginawa.

Ayon sa BI, nagpapakilala itong isang Chief Advisor sa Embahada ng India sa Manila upang malinlang ang mga biktima nitio.

Naaresto na rin ang suspek sa Baguio at Davao City sa kahalintulad na kaso.

Si Das ay dinala sa BI facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City at nakatakdang ipa-deport ito. PAUL ROLDAN