BINALAAN kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa social media accounts na nagpapanggap na official accounts ng central bank.
Ginawa ng BSP ang babala makaraang magsimulang kumalat online ang isang larawan ng sinasabing bagong banknote designs matapos na i-post ito ng pekeng central bank Facebook page.
“The images and information on Philippine currency posted in the account are false as they clearly inconsistent with the features of genuine Philippine banknotes,” paglilinaw ng BSP.
Ayon sa central bank, nakipag-ugnayan na sila sa Facebook upang alisin ang pekeng account.
Pinapayuhan ng monetary authority ang publiko na i-follow lamang ang kanilang official social media accounts: Face-book https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/; Twitter https://twitter.com/BangkoSentral; at Insta-gram https://www.instagram.com/bangkosentral/.