PINAIGTING pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kampanya nito laban sa mga nagbe-benta ng pekeng produkto.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nakipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga mambabatas upang mak-agawa ng batas na mapananagot ang mga online at offline sellers na mahuhuling nagbebenta ng mga pekeng gamit o produkto.
Ang hakbang ay kasunod na rin ng pagsulpot ng mga online seller, gayundin ng pagdami ng mga nagrereklamo na peke ang kanilang nabili.
Sinabi pa ni Lopez na mahigpit nilang binabantayan ang mga nagbebenta ng mga counterfeit items.
Nabatid na patunay rito ang aabot sa P13.73 bilyong mga nakumpiskang pekeng produkto mula Enero hanggang Hulyo 2019 na kinabibilangan ng sigarilyo, personal care, bag at sapatos. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.