FAKE NEWS ISANG KRIMEN

ISANG krimen ang pagpapalaganap ng fake news.

Ito ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba sa publiko.

Ang paalala ay ginawa ng opisyal kasunod ng isinagawang presentasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame kaugnay ng pagsulpot sa Social media ng sunod sunod na ulat tungkol sa krimen, na ang iba ay recycled, o d kaya ay fake news.

Ayon kay Alba, nakasaad sa Article 154 ng revised penal code na Inamyendahan ng Republic Act 10951, na krimen ang pagkakalat ng impormasyon na makakasama sa Public order o makakasira sa interes ng Estado.

Ang mga mahuling nagkakalat ng fake news ay mahaharap sa aresto mayor o isa hanggang 6 na buwang pagkakulong, at multa na mula 40 libo hanggang 200 libong piso.

Samanatala, sinabi naman ni PNP ACG Director Police Brig. General Joel B. Doria na palalakasin ng ACG ang kanilang cyberpatrolling at iba-balidate ang lahat ng mga video at ulat tungkol sa krimen na matuklasan nila.

Kasabay ito ng pagtiyak na ang mga lehitimong report ng krimen, ay agad ding aaksyunan.
EUNICE CELARIO