NANAWAGAN ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na huwag magpakalat ng mga espekulasyon at fake news kaugnay sa pagsabog sa Lamitan City, Basilan kamakailan na ikinamatay ng 11 katao, kabilang na ang suicide bomber na foreign-looking.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mas magandang hintayin na lamang ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente bago maglabas ng anumang espekulasyon.
Hindi umano makabubuti kung magpapakalat ang sinuman ng mga impormasyong hindi naman berepikado na baka sa halip na makatulong ay maging negatibo pa ang epekto nito.
Wala pang konklusyon ang awtoridad sa nangyaring pagsabog, na ayon sa militar ay wala pa silang nakikitang indikasyon kung ISIS ang may gawa nito gamit ang suicide bomber.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Matatandaang inako ng nagpakilalang ISIS ang nasabing pagpapasabog bagay na hindi pa kinukumpirma ng PNP at AFP.
Comments are closed.