MAITUTURING na isang uri ng pagtataksil sa bansa kung mismong ang isang Filipino pa ang gumagawa ng pagpapakalat ng maling balita o ‘fake news’ sa umano’y kapalpakan sa pagho-host ng Filipinas sa 30th Southeast Asian Games, ayon sa isang kongresista.
Kasabay nito, sa kanyang privilege speech kahapon ay umapela si Kabayan party-list Rep. Ron Salo, chairman ng House Committee on Public Information, sa lahat na mas pagtuunan ng pansin ang tunay at malaking gantimpalang dala sa gaganaping 2019 SEA Games dito at ang ibibigay nitong kagitingan at karangalan sa bansa at buong sambayanang Filipino.
“We have already heard the accusations; we have already heard the grievances; we have already heard the concerns. Thus, for these critics to continually blow up their concerns out-of-proportion is not only condemnable, but may already be considered an act of treason,” tigas na pahayag ni Salo.
Giit ni Salo, silang mga mambabatas ay dapat gawin na lamang ang kanilang trabaho, hayaan ang organizers na gawin ang responsibilidad na nakaatang sa kanila, suportahan ang mga atletang Filipino, lalo na huwag bigyan ang mga ito ng anumang alalahanin na makaaapekto sa kanilang pagsasanay at resulta ng aktuwal na pagsabak sa kumpetisyon.
“Isn’t it time now for our athletes to have their undivided time and attention to the most important objective at hand – to compete to their highest level and bring more gold medals to our motherland?” dagdag ng kongresista. ROMER BUTUYAN
Comments are closed.