FAKE TIN CARDS NAGLIPANA

BIR-1

BABAGUHIN ng Bureau of Internal Revenue (BIR)  ang disenyo ng tax identification number (TIN) card sa harap ng talamak na bentahan ng pekeng TIN IDs online.

Ipinalabas ng BIR ang Revenue Memorandum Order No. 2-2019 noong Enero 3,  na nagdedeklara sa TIN card bilang isang ‘accountable form’.

“It has been observed that selling of fake TIN cards is rampant and increasing (e.g., online selling through Facebook, selling by fixers to taxpayers while transacting in other government agencies, etc.),” pahayag ni BIR Commissioner Caesar Dulay sa memorandum order.

“Hence, it has been decided to redesign the TIN card and at the same time declare it as an accountable form in order to address the issue of the unauthorized issuance of TIN card within and outside the BlR,” ani Dulay.

Ang bagong TIN card, BIR Form No. 1931, bilang isang ‘accountable form’ ay magtataglay ng pre-numbered sequential serial number para sa ‘control at accountability’ ng mga kinauukulang BIR office at personnel.

Nagpalabas din ng advisories ang BIR sa publiko na ang TIN cards ay hindi ipinagbibili at iniisyu lamang ito ng ahensiya.

“Furthermore, please be reminded also not to transact TIN matters with unauthorized BIR personnel, non-BIR personnel or through unofficial online site,” sabi pa ng BIR.

Comments are closed.